Inaasahang makakapasok na sa Pilipinas ang malalaking telco players ng ibang bansa, ngayong nalagdaan na ang amendment sa Public Service Act.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Emmanuel Caintic na kapag ito ay nangyari magkakaroon ng malaking pagbaba sa presyo ng telecommunication at internet service sa bansa.
Paliwanag pa nito, kulelat ang Pilipinas sa mga kapitbahay nito sa ASEAN region sa pagtanggal ng restriksyon dito.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Caintic na may mga security features ang nakapaloob sa batas, na titiyak na hindi magiging banta sa seguridad ng bansa ang pagkaroon ng 100 percent foreign ownership sa sektor ng telcos.
Facebook Comments