Ipinakukunsidera ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa mga Local Government Units (LGUs) na gawing vaccination sites ang mga malalaking workplaces.
Ito ay para hindi na lalayo pa ang mga empleyado at manggagawa sa kanilang mga trabaho para magpabakuna ng COVID-19 o magpa-booster shot.
Ayon kay Salceda, ang kanyang rekomendasyon ay bahagi ng mas agresibo pang vaccination campaign.
Kung dadalhin sa mga workplace ang bakunahan ay maaaring magpa-vaccine ang isang empleyado o manggagawa tuwing break hours o pagkatapos ng trabaho.
Sa ganitong paraan, hindi na kakailanganing umabsent pa sa trabaho ng isang empleyado para pumunta sa vaccination center, pumila at magpabakuna.
Suhestyon pa ng mambabatas, maaaring gawin ang bakuna sa mga manggagawa tuwing araw ng Biyernes upang sakto na walang pasok sa weekend at may panahon para maka-recover ang isang worker mula sa adverse effect ng COVID-19 vaccine.