Nananawagan ng tulong ang ilang residente na naninirahan sa Sitio Puelay, Brgy. Barangay sa Dagupan City dahilan ang ilang linggo nang nararanasang malalim na pagbaha sa kanilang bahagi.
Ibinahagi ng ilang residente sa IFM Dagupan ang epekto nito sa kanilang pamumuhay. Una umano ang masangsang na amoy na dulot nito.
Kapansin-pansin din ang kulay berde na nitong kulay, at halos abot tuhod na umano ang lebel ng tubig, lalo na tuwing sumasapit ang high tide.
Pangamba raw ng mga ito ang posibleng mas paglalim pa ng tubig baha sakaling magtuloy-tuloy ang nararanasang pag-uulan o di kaya nama’y may dumating na bagyo.
Dagdag ng mga ito, bagamat nababaha na raw talaga ang naturang bahagi, mas lumala pa raw ito dahil sa hightide.
Samantala, humihingi naman ng tulong ang mga residente sa kinauukulan upang maibsan ang kanilang kinakaharap na suliranin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







