Malalim na debosyon ng mga sundalo sa kanilang tungkulin, patuloy na kikilalanin ng mga Pilipino ayon kay Pangulong Duterte

Ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang simpatya kasunod ng malagim na pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu na ikinasawi ng higit 50 katao na karamihan ay mga sundalo.

Sa kaniyang Talk to the Nation address, ang buong sambayanang Pilipino ay nagpapasalamat sa serbisyo ng mga nasawing sundalo.

Nakikiramay si Pangulong Duterte sa pamilya ng mga sundalo at sibilyang namatay sa plane crash.


Aniya, patuloy na kikilalanin ang malalim na debosyon ng mga sundalo sa kanilang tungkulin.

Nagpapasalamat din si Pangulong Duterte sa mga residente ng Sulu na tumulong sa pagsagip sa mga biktima ng plane crash.

Facebook Comments