Malalim na pananaliksik sa ugat ng mataas na presyo ng bigas, hirit ng isang kongresista sa DA

Screenshot from House of Representatives of the Philippines/Facebook

Iginiit ni Marikina City Representative Stella Luz Quimbo sa Department of Agriculture (DA) na laliman ang pananaliksik nito sa dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Committee on Agriculture and Food ay ipinunto ni Quimbo na matapos maipatupad noon ang Rice Tariffication Law ay bumaba ang presyo ng bigas pero bakit bigla uli itong sumipa noong nakaraang taon.

Nagtataka rin si Quimbo na mataas ang presyo ng bigas gayong wala naman palang kakulangan sa suplay nito.


Paliwanag naman ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. mataas ang presyo ng bigas sa lokal na merkado dahil mataas din ang bili dito ng mga traders.

Dagdag pa ni Tiu Laurel, ang stocks o imbak na imported na bigas ngayon ay nabili sa mataas na presyo noon.

tinukoy din ni Tiu Laurel ang ilang external factors tulad ng competition sa ibang mga bansa at ang pagbaba ng halaga ng piso sa dolyar.

Facebook Comments