
Isinulong ni Basilan Rep. Yusop Alano ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga may sala kaugnay sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa karagatang sakop ng Basilan kung saan 18 na ang naitalang nasawi at mayroon pang mga nawawala.
Giit ni Alano, dapat matukoy sa imbestigasyon ang malinaw na mga paglabag at pananagutan, hindi lang ng operator ng barko kundi ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
Sa kanyang privilege speech sa plenary session ng Kamara ay Ipinunto ni Alano, na hindi biro ang 3 insidente sa isang dekada na kinasasangkutan ng mga barko ng Aleson Shipping Lines.
Bukod sa MV Trisha Kerstin 3 ay tinukoy ni Alano na noong 2016 ay pag-aari din ng Aleson Shipping Lines ang lumubog na MV Danica Joy 2 habang noong 2023 naman ay nasunog ang Lady Mary 3.










