Manila, Philippines – Isinulong ngayon ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito ang pagbuo ng task force na siyang magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ukol sa Anti-Dengue Vaccine.
Ayon kay Ejercito, ang task force ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), Philippine Medical Association and Medical Societies Academe, at mga kilalang medical at health experts.
Anaasahan ni Ejercito na matutukoy ng task force ang dahilan kung bakit inaprubahan ng gobyerno ang dengvaxia vaccine kahit pa hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumapasa sa European Medicines Agency.
Target din aniya ng task force na alamin ang scientific merit ng nabanggit na bakuna na sinasabing may masamang epekto sa kalusugan ng mga hindi pa dinadapuan ng dengue.