Malalimang imbestigasyon sa deepfake video ni PBBM, isinusulong ng mga lider ng Kamara

 

Kinalampag nina Senior Deputy Speaker and Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Deputy Speaker and Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Ito ay para magkasa ng malalimang imbestigasyon ukol sa deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagbibigay ng direktiba sa mga sundalo.

Giit ni Congressman Gonzales Jr., hindi dapat palampasin at dapat managot sinuman o anumang grupo ang nasa likod ng ganitong imbentong impormasyon dahil nilalagay nito sa kompromiso ang ating pambansang seguridad.


Mungkahi naman ni Congressman Suarez sa mga ahensya, hingin ang tulong ng mga eksperto mula sa pribadong sektor sa kanilang pagsisiyasat.

Bunsod nito ay mahigpit ang payo ni Suarez sa mga sundalo na huwag magpapaloko sa sa naturang gawa-gawang video na nagpapanggap bilang si Pangulong Marcos.

Facebook Comments