Malalimang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero, iniutos na ni PBBM

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais mapanagot ng Pangulo ang mga sangkot sa kaso para mabigyan na rin ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Pero sabi ni Castro na bagama’t may mga lumabas na testigo na pwedeng makatulong sa kaso, ay kailangan pa rin ng mabibigat na ebidensya para mapagtibay ito.

Kaya naman mas mainam aniya na hintayin muna ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) na siyang naghahanap ng mga dagdag na ebidensya at testigo para maresolba ang kaso.

Tiwala naman aniya sila sa Palasyo sa integridad ng korte sa bansa at umaasang maso-solusyunan ito nang naaayon sa rule of law.

Facebook Comments