Malalimang imbestigasyon sa pagbagsak ng C-130, iginiit ng mga senador

Maliban sa pakikiramay at panawagang panalangin para sa mga biktima ng pagbagsak ng C-130 sa Sulu ay iginiit din ng mga senador na magkaroon ng malalimang imbestigasyon.

Diin ni Senator Kiko Pangilinan, kailangan ang masusing imbestigasyon para mabatid ang naging pagbagsak ng C-130 at daan din ito para madetermina ang mas maayos na kagamitan para sa mga sundalo.

Paliwanag naman ni Senator Risa Hontiveros, gabay ang imbestigasyon para tiyakin ang proteksyon ng mga magiting nating sundalo.


Ayon kay Senator Grace Poe, kailangang ang pagsisiyasat para matiyak na ligtas gamitin ang ating mga military planes at masigurong hindi na mauulit ang malagim na trahedya.

Hiniling din ni Senror Joel Villanueva kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsiyasat na mabuti bago muling gamitin ang ating air assets dahil wala na dapat pang Pilipinong sundalo ang mamamatay sa kahalintulad na trahedya.

Facebook Comments