Malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa volunteer doctor na si Dreyfuss Perlas, ini-utos ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay Davao Del Norte Rural Health Physician Dr. Dreyfuss “Toto” Perlas.

 

Sa isang-pahinang kautusan na pirmado ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, binibigyan ng otoridad ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa pagkamatay ni Perlas na binaril kamakailan sa Lanao Del Norte.

 

Bukod dito, inaatasan din ang nbi na magbigay ng reports sa opisina ni Aguirre.

 

Matatandaang sinundan ng isang riding in tandem si Perlas at saka ito pinagbabaril.

Facebook Comments