
Ipinag-utos ng Bureau of Corrections (BuCor) ang imbestigasyon kaugnay ng mga ulat ng umano’y kalupitan sa hayop sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon sa BuCor, nananatili ang kanilang pangako sa kapakanan ng mga hayop at sa kaligtasan ng mga person deprived of liberty (PDL), lalo na’t maraming bilanggo, partikular ang mga walang dalaw, ang nakakahanap ng aliw at emosyonal na suporta sa presensya ng mga hayop sa loob ng piitan.
Kinilala ni Catapang na may mga reklamong naitala hinggil sa kagat at kalmot ng mga pusa sa ilang PDL.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang BuCor sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at bumuo ng pakikipagtulungan sa Biyaya Foundation na siyang nakatuon sa pangangalaga ng mga hayop.
Hinimok naman ng ahensya ang nag-akusa na magbigay ng ebidensya upang “mas mapabuti pa” ang mga hakbang kung may pagkukulang man.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Catapang na pag-aaralan din ng BuCor ang panukala ni Heidi Marquez-Caguioa, pangulo at Program Director ng Animal Kingdom Foundation (AFK), na isama ang isang animal-assisted program bilang bahagi ng rehabilitation framework para sa mga PDL.










