MALALIMANG IMBESTIGASYON SANATAGPUANG BANGKAY NG ESTUDYANTE SA LINGAYEN BAYWALK, IPINAGPAPATULOY

Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng natagpuang bangkay ng isang menor de edad na estudyante sa bahagi ng Lingayen Baywalk.

Batay sa pahayag ng Lingayen Police Station, nakasaad sa ulat ang malubhang kalagayan ng katawan ng biktima nang ito ay matagpuan.

Ayon sa paunang pagsusuri, nagkaroon ito ng fracture sa bungo na posibleng dulot ng matinding impact sa matigas na bahagi tulad ng semento.

Tiniyak ng mga awtoridad na kanilang tututukan ang kaso upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Patuloy ding inaalam ng mga imbestigador kung may foul play na sangkot sa insidente.

Facebook Comments