MALALIMANG IMBESTIGASYON UKOL SA NANGYARING PAMAMARIL SA ISANG BRGY. KAGAWAD SA MALASIQUI, NAGPAPATULOY

Inumpisahan na ng awtoridad ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pamamaril sa isang Brgy. Kagawad sa Payar, Malasiqui, Pangasinan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pulisya na habang natutulog ito sa barangay hall kasama ang dalawa pang CVO ay pinasok ito ng suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima, na agad na naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng caliber .45 at dalawang fired bullets.

Sa ngayon, puspusan ang pagsasagawa ng pagrereview ng mga CCTV footage, matapos ang nauna nang isinagawang dragnet at checkpoint operation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments