Patuloy na makakaranas na malamig na panahon ang buong bansa bunsod ng northeast monsoon o hanging amihan.
Asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga panandaliang pulo-pulong pag-ulan.
Patuloy pa ring nakataas ang gale warning sa extreme northern seaboards ng Luzon gayundin sa eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.
Kaya pinapayuhan ang mga may maliliit na sasakyan pandagat na huwag munang pumalaot.
Facebook Comments