MALAMIG NA PANAHON | Temperatura sa Roma, bumagsak sa 4 degrees celsius

Roma – Natakpan na ng makapal na snow ang buong Roma, italya dahil sa pag-ulan ng niyebe.

Sinasabing bumagsak sa 4 degrees celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng Rome malayo sa average temperature na 13 degrees celsius na karaniwang nararanasan sa lugar tuwing Pebrero.

Dahil dito, pansamantang kinansela ang biyahe ng mga public bus maging ang pasok sa mga paaralan at opisina.


Tinatawag na “The beast from the East” ang napakalamig na panahong nararanasan ngayon sa Rome na resulta umano ng malamig na hanging nanggagaling sa Siberia.

Facebook Comments