Malampaya Gas Field, nanganganib nang masimot sa susunod na taon; DOE, pinaghahanda!

Dapat na paghandaan ng Department of Energy ang nakaambang pagkaubos ng gas reserve sa Malampaya Gas Field sa susunod na taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Representative Carlos Zarate na posibleng hindi na ito umabot ng taong 2023 at sa unang yugto ng 2022 ay matuluyan na ito.

Aniya, batay kasi sa huling tala noong Setyembre 2020, nasa 858,834 million standard cubic feet na lamang ang natitira rito.


Giit pa ni Zarate, maaaring magdulot ng mas malaking problema ito sa ekonomiya ng bansa kung hindi pa ito aaksiyunan ng pamahalaan.

Posibleng makaapekto rin ito sa takbo ng eleksyon sa susunod na na taon.

Facebook Comments