Malampaya gas project sa Palawan, sisilipin ni PBBM ngayong araw sa pamamagitan ng fly by

Matapos ang groundbreaking ng Caticlan Passenger Terminal Building sa Caticlan Airport sa Aklan, didiretso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palawan ngayong araw para silipin ang Malampaya gas project area sa pamamagitan ng fly by.

Ayon sa pangulo, sa kasalukuyan ay may ginagawang drilling sa Malampaya para sa patuloy na pagtuklas ng oil resources sa lugar.

Sabi ng pangulo, bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na makahanap ng suplay ng langis para mapatatag ang reserbang langis ng bansa.

Nagpapatuloy aniya ang mga programa ng pamahalaan para matiyak ang seguridad sa enerhiya ng bansa.

Nauna na ring sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na may iba pang ganitong pagtuklas o oil exploration na ginagawa ang bansa sa iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments