MALANGAW NA BAHAGI SA MALIMPEC, MALASIQUI, INIREREKLAMO

Inirereklamo ngayon ng ilang residente sa Malimpec sa bayan ng Malasiqui ang hindi umano masolusyunang problema sa mga langaw.
Ayon kay Fernando Capitle, residente ng barangay, dahil sa sobrang dami ng langaw, apektado pati ang pagkain nila.
Inilahad naman ni Eduardo Isuan, tindero malapit sa paaralan sa barangay ang parehong hinaing. Ngunit, sinisiguro pa rin nitong malinis ang kaniyang mga ibinebenta.
Ang itinuturong dahilan sa kanilang suliranin – ang isang poultry farm sa katabi nitong barangay.
Ayon kay Malimpec Captain Renante Martinez, matagal na umano nilang idinadaing itobat nakipag-ugnayan na rin sila sa may-ari ng poultry farm.
Nilinaw naman ni Barangay Administrator Pedro Casipit na madalas umano silang nasisisi ngunit hanggang ngayon, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa may-ari ng farm ay wala pa rin itong aksyon.

Sa mga nagdaang administrasyon ay halos wala umanong nangyari, maliban na lamang sa ipinadalang closure order umano noong 2019 sa poultry farm pero patuloy pa rin ang operasyon nito.

Ang dahilan, hindi raw natanggap ng may-ari ng poultry ang nasabing kautusan.
Umaasa naman ang mga residente at opisyal ng Barangay na magawaan na ng paraan ang kanilang problema sa langaw.

Sinubukan naming kunan ng pahayag ang may-ari ng farm at ang munisipyo, ngunit sa ngayon ay wala pa rin silang tugon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments