MALASAKIT NA IPINAMALAS NG TRICYCLE DRIVER AT MGA KAPULISAN NG BAUTISTA, PANGASINAN, HINANGAAN NG NETIZENS

Hindi lamang sa pagtugon sa mga kaguluhan maaasahan ang mga kapulisan, kaisa rin ang mga ito sa pagresponde sa mga taong nangangailangan.

Agaran ang naging pagtugon ng mga police personnels sa lumapit na isang tricycle driver sakay ang isang lalaking malubha ang kalagayan. Ayon sa salaysay, inatake umano ng high blood pressure ang lalaki kaya naman nang makita ang pulisya, agad itong inilapit ng tricycle driver.

Dahil sa mabubuting puso, naitakbo sa oras ang lalaki at agad itong tumanggap ng nararapat na medikal na atensyon.

Sa ipinamalas na kabutihan, hinangaan at kinilala ng publiko ang mga kapulisan maging ang driver ng tricy sa maagap na pagsaklolo sa taong una nang nalagay ang buhay sa panganib.

Samantala, hindi na lamang sa mga kakalsadahan at presinto matatagpuan ang mga pulis, sakaling mangailangan ng tulong o may emerhensiya, pwedeng-pwede nang tawagan ang kanilang 911 hotline. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments