Malasakit ng pangulo sa mga mahihirap, fake?

Manila, Philippines – Tinawag na “fake” ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus ang malasakit noon ng Pangulong Duterte sa mga mahihirap.

Ito ay kasunod ng banta ni Pangulong Duterte na dapat maalis na sa mga lansangan ang mga PUJs o kung hindi ay aarestuhin ang mga ito.

Giit ni de Jesus, inilalaglag ng Pangulo ang sarili dahil hindi naman pala totoo ang ibinibida nitong pagaalala at malasakit sa mga mahihirap.


Aniya, malaking pagkakamali at magiging malaking pangihinayang para sa Pangulo ang mga binitawan nitong salita dahil karamihan sa 16 na milyong bumoto sa Presidente ay mga mahihirap.

Iginiit ng kongresista na hindi ito political will kundi pamimilit sa mga mahihirap na sumunod sa state policy na mga malalaking negosyante lamang ang makikinabang.

Facebook Comments