Malasakit sa mahihirap at nangangailangan, dahilan kung bakit nanguna ang Pangulo sa 100 Most Influential People ng Time Magazine ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañang ang pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa online voting para sa Time Magazine 100 Most Influential People In The World.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagbibigay prayoridad ni Pangulong Duterte sa interes ng mga mahihirap nating kababayan ang dahilan kung bakit kinagigiliwan ang Pangulo sa buong mundo.

Tatlo aniya ang simpleng agenda ng Pangulo sa kanyang administrasyon at ito ay mapaunlad ang buhay ng lahat, manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno at makabuo ng isang patas na komunidad.


Pero sinabi din ni Abella, kahit hindi kilalanin ang ginagawa ng Pangulo ay magpapatuloy parin naman aniya si Pangulong Duterte na gampanan ang kanyang tungkulin na pagsilbihan ang taumbayan.

Facebook Comments