‘Malasakit Store’ ng DA , Ilulunsad sa 4 na Syudad ng Lambak ng Cagayan!

*Cauayan City, Isabela-* Inatasan ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol si DA Cagayan Valley Regional Director Narciso Edillo sa kanyang pagdalaw kahapon dito sa Lalawigan ng Isabela kaugnay sa paglulunsad ng DA ‘Tiyenda Malasakit Store’ bilang tugon sa problemang idinaing ng mga poultry raisers sa Lambak ng Cagayan.

Sa pakikipag ugnayan ng kalihim sa mga poultry raisers ay inalam nito ang mga hinaing at mga problemang dapat tugunan matapos na mapinsala ang kanilang mga poultry farms dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita.

Ilan sa mga problemang idinulog ng mga Ito ay ang kawalan ng cold storage facilities, kawalan ng hatching eggs facilities, kakulangan sa dressing facilities, pagbili ng Mercado ng mababang presyo sa produktong manok at Iba pa.


Bilang tugon sa mga Ito ay nagpasya ang kalihim na magpatayo ng nasabing establisyimento na siyang magiging outlet para sa lahat ng mga produktong manok sa Cagayan Valley.

Bibilhin ng DA ‘Tiyenda Malasakit Store’ sa tamang presyo ang mga produkto ng mga poultry raisers at ito na rin mismo ang magsusupply sa mga tindera sa rehiyon.

Ang nasabing proyekto ay nakatakdang ipatayo ngayong buwan ng Nobyembre.

Facebook Comments