MALAWAK NA BAHAGI NG TUGUEGARAO CITY CAGAYAN, LUBOG SA BAHA

CAUAYAN CITY – Kasalukuyang lubog sa baha ang ilang bahagi ng Tuguegarao City dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Cagayan river kasabay ng pagpapakawala ng tubig sa dam.

Sa kuhang larawan ng Drone Unit ng Cagayan Provincial Information Office, makikita ang malawakang pagbaha na nagdulot ng pagkakalubog ng ilang kabahayan sa lungsod.

Ayon sa mga lokal na opisyal, ang walang tigil na pag-ulan nitong mga nakaraang araw ang nagdulot ng biglaang pagtaas ng tubig sa ilog, na ngayon ay nasa kritikal na lebel na.


Dahil dito, maraming residente ang inilikas at dinala sa mga evacuation center para sa kanilang kaligtasan.

Nagsasagawa na ng operasyon ang mga ahensya ng gobyerno at mga volunteera upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang apektado ng pagbaha, kasama na rin dito ang mga relief goods at medical assistance para sa mga nangangailangan.

Samantala, nananawagan naman ang lok na pamahalaan ng Cagayan ng dagdag na tulong at suporta mula sa national government at mga pribadong sektor upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta at mapabilis ang pagbangon ng komunidad.

Facebook Comments