Umabot sa halos apat na oras ang pag-apula sa isang grass fire na sumiklab sa isang pribadong lote sa Brgy. Nalsian, Calasiao noong gabi ng April 9, 2026.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), iniulat ng isang concerned citizen ang insidente bandang alas-6:48 ng gabi kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa naturang lote.
Sa ulat ng mga rumespondeng opisyal ng Barangay Banaoang, na nasa kabilang bahagi lamang ng ilog malapit sa lugar, karamihan sa napinsala ay damuhan at kawayan.
Agad rumesponde ang dalawang fire truck ng BFP Calasiao katuwang ang isang volunteer fire brigade mula Dagupan City upang apulahin ang sunog.
Ideklarang under control ang apoy bandang alas-9:45 at tuluyang naapula pagsapit ng alas-10:30 ng gabi.
Walang namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente at wala ring kabahayang nadamay sa sunog.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










