Nalantad ang isang malawak na illegal drug trade sa loob ng Quezon City Jail.
Ito’y matapos na aabot sa 700 grams na dried Marijuana, mga arms cache at mga assorted improvised weapons ang nakumpiska sa greyhound operation ng Quezon City Police District sa loob ng QC Jail.
Kasunod ito ng sumiklab na riot sa as Quezon City Jail Male Dormitory noong May 13.
Batay sa intelligence information, ginamit lang ang riot upang magkaroon ng dahilan na mapatanggal sa puwesto ang kasalukuyang jail warden at mapigilan ang mga anti-drug effort sa loob ng naturang jail facility.
Nakumpiska ang mga droga at mga kontrabando sa mga jail cells ng Persons Deprived of Liberty (PDL) na nagpasimula ng riot.
Kinailangang wasakin ng mga otoridad ang mga kongkretong dingding at sahig kung saan nakatago ang mga ilegal na droga at kontrabando.
Ang pagkakatuklas ng eksaktong lugar ng armory at storage area ng mga illegal drugs ay resulta ng ilang buwang covert operations upang malaman ang lawak ng illegal drug trade in jail sa loob ng QC Jail.