Monday, March 23, 2026

Malawak na pagpapatupad ng work-from-home at flexible work arrangements, panawagan ni Rep. Revilla sa DOLE at mga pribadong kompanya

Nananawagan si House Committee on Labor Chairman at Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla sa Department of Labor and Employment (DOLE) at mga pribadong kompanya na magpatupad na malawakang implementasyon ng work-from-home (WFH) at flexible work arrangements.

Layunin ng mungkahi ni Revilla na makatipid ng konsumo sa gasolina ang bansa at maprotektahan ang mga manggagawang Pilipino sa krisis sa enerhiya na dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Kaugnay nito ay hinihiling ni Revilla sa DOLE na maglabas ng updated guidelines upang matiyak na mabibigyan ng proteksyon ang karapatan ng mga manggagawa.

Ayon kay Revilla, dapat din ay mahigpit na makipag-ugnayan ang DOLE sa mga employers upang mailatag ng mahusay ang pagpapatupad ng hybrid work setups sa iba’t ibang industriya.

Giit ni Revilla, ang pagsusulong ng WFH setups ay isang praktikal na solusyon para mabawasan ang araw-araw na konsumo sa langis ngayong panahon ng krisis.

Dagdag pa ni Revilla, ilang mga bansa na sa Asya ang nagsimula ng magpatupad ng remote work policies at binawasan ang araw ng trabaho bilang tugon sa energy crisis.

Facebook Comments