Malawak na tulong sa sektor ng kalusugan, education, livelihood, at iba pang programa, handog ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist

Malawak na tulong sa sektor ng kalusugan, education, livelihood, at iba pang programa ang handog ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist sakaling maluklok sa Kongreso ngayong darating na halalan.

Ang H.E.L.P. Pilipinas Partylist ay binu-buo ng mga rotary club na layong suportahan ang iba’t ibang sektor na nangangailangan ng tulong sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay Morena “Mong” Canizares, senior assistant governor ng Rotary Club of Makati at sumusuporta sa HELP Pilipinas Party-List, binigyang-diin nito na hindi lahat ay kayang agapayan ng gobyerno lalo ngayong pandemiya.


Giit nito, hindi naman maaaring iasa lahat sa gobyerno.

Pero sa ilalim aniya ng HELP Pilipinas Party-list at rotary club, sinusuportahan nila ang iba pang mga grupo upang mas mapalawig pa ang ibinibigay na tulong sa ating mga kababayan.

Facebook Comments