Ikinasa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang malawakang assessment sa mga bayan na matinding naapektuhan ng Bagyong Uwan nitong nagdaang linggo.
Sa pamamagitan ng binuong Provincial Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team, tutungo sa iba’t ibangbayan ang mga personnel upang alamin ang lawak ng pinsala, matukoy ang mga agarang pangangailangan ng mga residente, at makapagbigay ng rekomendasyon para sa mabilis na pagbangon.
Pangungunahan ng mga personnel mula sa iba’t-ibang ahensya ang pagtataya ng pinsala sa iba’t-ibang sektor kabilang ang agrikultura, kalinga ng mga hayop, kalusugan, imprastraktura, at pangangailangan sa mga komunidad.
Ayon sa PDRRMO, magsisilbing batayan ang resulta ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa pagtukoy ng mga prayoridad sa relief, rehabilitation, at iba pang programang makatutulong sa agarang pagbangon ng buong Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









