Isinasagawa ngayon ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang assessment sa mga 4Ps Beneficiaries dahil sa nais na malaman ang kalagayan ng mga ito matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay at ang pagbahang dulot nito.
Hindi naging hadlang ang bagyong Egay o kahit pa ang bahang idinulot nito sa pagbabahay-bahay ng mga 4Ps City/Municipal Link para isagawa ang malawakang assessment sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa gamit ang Social Welfare and Development Indicators Tool.
Sa pamamagitan ng assessment na ito ay malalaman ang kasalukuyang antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sa ngayon ay nasa 22,814 mula sa 97,590 o 23.38% na ang mga 4Ps beneficiaries na nabisita ng mga 4Ps City/Municipal Link sa region 1. |ifmnews
Facebook Comments