MALAWAKANG CLEANUP SA COASTAL AT INLAND AREAS NG BOLINAO, ISINAGAWA

Dinaluhan ng 30 barangay ng Bolinao ang malawakang cleanup na isinagawa sa mga coastal at inland areas ng bayan ngayong unang kwarter ng taon.

Isinusulong sa aktibidad ang pagkontrol sa epekto ng polusyon na maaaring maidulot ng basura mula sa mga residente at turista bilang pangunahing atraksyon sa Pangasinan. Nilinis ang mga daluyan ng tubig, dalampasigan at pampublikong lugar upang hindi pagmulan ng pagbaha at water-borne diseases.

Nagpasalamat naman ang MDRRMO ang suporta ng bawat barangay pangangalaga sa kalikasan at pagiging kasangga sa disaster preparedness. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments