Malawakang contact tracing sa isang ospital, Tuloy-tuloy

Cauayan City, Isabela- Tuloy-tuloy ang ginagawang malawakang contact tracing sa mga posibleng nagkaroon ng exposure sa isang barangay official mula sa Lungsod ng Cauayan matapos itong magpasuri sa isnag ospital sa Santiago City.

Ito ay makaraang magpalabas ng kautusan si City Mayor Joseph Tan na nagpapasailalim sa ‘calibrated lockdown’ ang Adventist Hospital sa Barangay Mabini sa nasabing siyudad.

Ayon kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer, posibleng umabot sa 25 katao ang mayroong direct contact sa nagpositibong opisyal dahil na rin sa kaanak nito na naroon sa ospital bago pa man malaman na positibo ang nasabing opisyal.


Matatandaang nagpositibo kahapon ang limang (5) miyembro ng pamilya ng opisyal ng barangay villa concepcion sa Cauayan city.

Paliwanag naman ni Dr. Manalo, maituturing na ‘secondary’ sa COVID-19 ang ilang dahilan ng pagkamatay ng isang pasyente dahil posibleng ang kanilang mga dati ng iniindang karamdaman ang nagpalala para hindi kayanin ng kanilang katawan ang matinding virus sa katawan.

Ipinagpapasalamat naman ni Dr. Manalo ang kawalan ng local transmission sa siyudad dahil na rin sa kooperasyon ng publiko para mapanatiling maiwasan ang dumaraming bilang ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Facebook Comments