Malawakang COVID-19 testing, isasagawa sa vendors sa Maynila

Magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng malawakang COVID-19 testing sa mga vendors mula sa 17 public markets nila sa susunod na linggo.

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang naturang plano kasabay ng pagbubukas ng ikalawang RT-PCR molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital.

Inatasan na ni Moreno ang Manila Health Department at ang pamunuan ng Sta. Ana Hospital na makipag-ugnayan sa market administrators sa Maynila para bigyang prayoridad sa malawakang testing ang mga vendor sa lungsod.


Iginiit ni Moreno na hindi sapat ang pagbibigay ng face mask at face shield sa mga vendor na direktang humaharap sa publiko sa araw-araw nilang pagtitinda sa mga pamilihan.

Bukod sa mga vendor, plano ring isalang sa COVID-testing ang mga matadero sa palengke, mga tsuper, pedicab drivers, tricycle drivers at jeepney drivers.

Walang magiging gastos sa mass testing ang mga vendor na isasalang sa swab testing.

Facebook Comments