Malawakang COVID test, isinasagawa sa mga empleyado ng DOJ

Nagsasagawa ang Department of Justice (DOJ) ng mas marami pang COVID-19 test sa mga empleyado nito.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra, makaraang magpositibo sa rapid test ang maraming empleyado ng DOJ.

Ayon kay Sec. Guevarra, nagpasya ang DOJ na magsagawa ng mas maraming rapid test upang matukoy kung mayroon pa bang empleyado ng kagawaran ang positibo.


Kapag naman nagpositibo sa rapid test ay agad na isasailalim sa RT-PCR o swab test na mas “reliable” para makumpirma kung talagang positibo sa COVID-19 ang empleyado.

Habang hinihintay ang resulta, kailangan na mag-self-quarantine ang mga empleyadong nagpositibo sa rapid test.

Maging ang mga sasakyang papasok ng DOJ compound ay dini-disinfect.

Ang bawat empleyado at bisita ay kinukunan ng body temperature at pinag-aalkohol bago papasukin sa DOJ compound.

Facebook Comments