MALAWAKANG DREDGING OPERATIONS SAPANTAL-SINUCALAN RIVER AT IBA PANG PROYEKTONG IIBSAN SA PAGBAHA SA DAGUPANCITY, INIHAHANDA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNGSOD

Inihahanda na ang ilang mga proyektong tutulong upang maibsan ang problemang pagbaha sa Dagupan City, isa rito ang malawakang dredging operations na nakatakdang isagawa sa Pantal-Sinucalan River.
Matatandaan na isa ang heavily silted na mga kailugan, o makapal na mga namuong putik kaya’t hirap ang pag-agos sana ng tubig palabas sa mouth of the river, dahilan na matagal humupa ang malalim na tubig baha.
Bunsod pa ng nasabing proyekto ang lumalalang malalim na pagbaha sa lungsod sa tuwing tag-ulan, may pagbagyo at high tide season na kailan lamang naranasan ng lungsod, dagdag pa na catch basin ang Dagupan City mula sa tubig sa kabundukan at kalapit pa nitong kailugan.

Tinututukan din ang proyektong pagpapatibay ng mga dikes, rehabilitasyon ng creeks at outlets, at ang kasalukuyang elevation o pagpapataas ng mga kakalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages na naumpisahan na sa kahabaan ng Arellano St at AB. Fernandez, na pinaniniwalaang makatutulong upang unti-unting masolusyunan ang matagal nang problemang pagbaha sa lungsod.
Samantala, katuwang naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang ahensyang Department of Environment and Natural Resources o DENR, maging ang provincial government ng lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments