Malawakang energy security ng bansa, isinusulong

Epektibong Energy Policy yan ang dapat na bigyang pansin ng pamahalaan sa kabila ng pinangangambahang pagkaubos na ng supply ng enerhiya sa bansa.

Ayon kay Atty Noel Baga ang Convenor ng Center for Energy Research and Policy naniwala sila na para ma adrress ang issue ng Energy Security sa bansa pero naniniwala silang maisasaayos pa ito sa pamamagitan ng maayos na Energy Policy.

Sabi pa ng grupo napapanahon ang paglulunsad nila ng programa dahil madalas magkaroon ng power crisis sa bansa.


Magiging Focus din ng bubuuing Energy policy ng grupo ay ang paggawa ng mga solusyon para maibsan ang epekto ng Climate Change.

Sabi pa ni Atty Baga bagamat may mga inulunsad na ang pamahalaan na mga programa kaugnay ng pagdaragdag ng energy sources o pagdaragdag ng bansa ng paggamit ng Renewable Energy hindi pa rin ito sasapat kailangan pa ng mas paigtingin ang pag iingat sa kalikasan ng ating bansa.

Nakakaranas at posibleng makaranas pa ang bansa ng mga challenges lalo na sa energy security indicators kabilang na dyan ang sufficiency, reliability, resillience, affordability maging ang accessibility at sustainability..

Kung hindi masosolusyonan ang mga nasabing problema hindi lang Economic Stability at Social Welfare ang maaring maapektuhan kundi ang  Environmental sustainability ay maaring ding maapektuhan.

Nauna ng maglatag ng mga initsyatibo,  polisiya at solusyon ang Department of Energy kabilang na dyan ang paggamit na ng Renewable Energy tulad ng Nuclear Energy dahil sa pinangangambahang pagkaubos ng supply ng enerhiya ng malampaya gas field.

Sinabi ng din DOE  na binabalangkas na nila ang mga solusyon na maaring makatulong para hindi na lumala pa ang sitwasyon lalo na sa usaping power crisis.

Nananawagan naman ang grupo sa kinauukulan na magkaroon ng mabilis na pagtugon sa problema sa Energy Security ng bansa dahil maaring maapektuhan ang karaniwang Pilipino

Facebook Comments