Inilunsad ng Department of Agriculture ang isang malawakang field demonstration sa lalawigan ng Pangasinan upang ituro ang mga paraan sa pagpuksa ng mga Fall Armyworms sa lalawigan.
Sa isang programang inilunsad ng DA R1 sa bayan ng Calasiao Large Scale Field Demonstrations of Fall Armyworm IPM-PAMS Management Strategies and Technologies, dumalo ang mga banyagang eksperto upang ituro o ibahagi ang kanilang mga kaalaman sa pagpuksa ng Fall armyworms na lubhang nakakaapekto sa mga pananim ng mga magsasaka sa probinsya.
Ayon sa mga naging pag-aaral ng ahensya, ang naturang peste ay isang great flyers dahil sa bilis ng mga ito kung lumipad sa mga pananim kung saan hinala ng mga eksperto na nakarating ang Fall Armyworm sa Pilipinas mula sa bansang Amerika dahil nakakasabaya ang mga ito sa mga kargamento o shipment sa mga barko, Dagdag pa rito, nag-umpisa umano ang Fall Armyworm sa bansang Amerika at nagkaroon na ng transmission at nagkaroon na ang mga ito ng pagkakataon na magpalipat-lipat sa mga karatig bansa.
Kadalasang inaatake ng mga pesteng ito ang mga pananim na mais at sibuyas at kaya umano nilang sirain o ubusin ang isang ektaryang pananim sa loob lamang ng ilang araw.
Ayon pa sa pag-aaral ay nagtatagal lamang ang buhay ng naturang peste ng nasa 40 hanggang 45 na araw.
Ayon pa sa pag-aaral ay nagtatagal lamang ang buhay ng naturang peste ng nasa 40 hanggang 45 na araw.
Matatandaan sa lalawigan ng Pangasinan, ay naging apektado ang Lungsod ng San Carlos at mga bayan ng Bayambang, San Manuel, Tayug at iba pang karatig lugar. |ifmnews
Facebook Comments