Malawakang fraud sa PhilHealth, patunay na laganap pa rin ang korapsyon sa gobyerno

Inungkat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA ang malawakang fraud sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon sa Pangulo – patunay lamang ito na laganap ang korapsyon sa gobyerno.

Tinukoy ng Pangulo ang “ghost dialysis” claims na inihain ng mga pribadong clinic sa state insurance agency.


Ipinag-utos niya sa National Bureau of Investigation (NBI) na panagutin ang lahat ng responsable.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating army officer Ricardo Morales bilang bagong PhilHealth president dahil itinuturing niya itong “man on integrity.”

Nangako rin si Morales na iimbestigahan niya ang bawat anomalya sa ahensya.

Facebook Comments