Malawakang imbestigasyon sa pagtakas ni Cataroja sa Bilibid, iniutos ni BuCor Chief Catapang

Magsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang Bureau of Corrections (BuCor) upang alamin kung paano nakatakas sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang inmate na si Michael Cataroja.

Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., isasagawa ng board of inquiry ang malalim na imbestigasyon upang alamin ang lahat ng anggulo kung paano nalusutan ni Cataroja ang mga bantay sa Bilibid.

Aalamin din kung sino ang kasama at tumulong kay Cataroja sa pagtakas sa Bilibid sa Muntinlupa City.


Bukod dito, maging ang Senado kamakailan ay nagsagawa rin ng hiwalay na pagdinig hinggil sa mga kaso at kontrobersiya sa loob ng NBP.

Si Cataroja ay nakulong dahil sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law.

Kinalauna’y naiulat na nawawala na inanunsyo pa ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na patay matapos paghinalaan na ang butong nahukay sa septic tank sa maximum-security compound ay mula sa bangkay ng inmate.

Matapos ang mahigit isang buwan na pagtatago, muling naaresto ng BuCor si Cataroja sa isang lugar sa Angono, Rizal.

Facebook Comments