Malawakang information campaign, isusulong ng MMDA at ilang metro mayors katulong ang DOH kaugnay ng problema sa mpox; Labing-isang positibong kaso ng mpox, naitala sa NCR

Magsasagawa ng malawakang information campaign ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang mga lokal na pamahalaan para maipabatid sa publiko ang kahat ng dapat malaman kaugnay ng mpox.

Ito ang napag usapan sa isinagawang Metro Manila Council meeting na dinaluhan ng nga alkalde sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, isa kanilang ikinukunsidera ay ang panukala ng LGU ng San Juan na magsagawa ng town hall meeting, kung saan dadalo ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng Department of Health (DOH) para pag usapan at ipabatid sa publiko ang panganib ng mpox at paano ito nakukuha.


Sinabi naman ni Health Undersecretary Gloria Balboa na handa ang kagawaran sa mga visual aid at mga kailangan materials para sa massive information campaign na nais ng mga metro mayor.

Kinumpirma rin ni Usec Balboa sa Metro Manila Council meeting na umabot na sa labing isa ang positibong kaso ng mpox sa NCR.

Sa kabuuan, ang bilang nito ay labing limang positibong kaso sa buong bansa.

Iginiit pa ng opisyal na hindi pa naman ito alarming at manageable naman ang sitwasyon sa kasalukuyan.

Facebook Comments