Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa pamahalaan na maglunsad ng malawakang information drive.
Ito ay para malabanan ang COVID-19 vaccine hesitancy ng maraming Pilipino kasunod na rin ng inilabas na report ng Social Weather Station na tatlo lang sa sampung Pinoy ang handang magpabakuna.
Ayon kay Sotto, bagama’t hindi siya tutol sa plano ng Department of Health (DOH) na magpatupad ng brand agnostic policy, dapat magkaroon ng massive information drive upang maiwasan ang nangyaring pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination site, kung saan Pfizer COVID-19 vaccine ang itinuturok.
Matatandaang hati ang opinyon ng mga senator sa planong brand agnostic vaccination policy kung saan tutol ang ilan dahil mas mapapalala lang umano nito ang takot sa pagpapabakuna, samantalang ang ilang senador ay nagsasabing isa itong praktikal na solusyon sa vaccine hesitancy.