Malawakang inspeksyon sa mga piitan, isasagawa ng PNP

Magkakasa ng malawakang inspeksyon ang Philippine National Police (PNP) sa mga custodial facilities sa bansa.

Ito’y matapos ang insidente sa Angeles City, Pampanga kung saan pitong pulis ang inaresto dahil sa iligal na pagkulong sa 13 indibidwal.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., hindi nila kinukunsinte ang mga maling gawin ng mga pulis, kasama na rito ang pagkukulong sa mga tao na walang basehan at pangingikil.


Kaya naman, ipinasisilip din ng PNP chief ang criminal records ng mga nakakulong para tiyaking walang nalalabag sa kanilang mga karapatan.

Samantala, inatasan naman ni Acorda ang mga city at provincial director na mag-inspeksyon at alamin kung kung may iregularidad ba sa kanilang nasasakupan sa pagkulong ng mga suspek.

Nagbaba rin ng direktiba si Acorda sa Chief of Directorial Staff na isama sa credentials ng promotion kung pabaya ang mga city at provincial directors sa kanilang mga custodial facility.

Facebook Comments