Malawakang job fair na ilulunsad ngayong Labor Day, pangungunahan ni PBBM

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malawakang job fair na ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw.

Gaganapin ang aktibidad sa SMX Convention Center, sa Pasay City, kung saan iba’t ibang programa ang inilaan para sa mga manggagawa at naghahanap ng trabaho bilang bahagi ng padiriwang ng ika-123rd Labor Day Anniversary sa bansa.

Nasa 103 na local employers ang lalahok sa job fair na mag-aalok ng 14,207 na job opportunities.

Isasagawa rin ng DOLE ang livelihood distribution sa mga labor unions, mga magulang ng batang manggagawa, at biktima ng paglabag sa karapatang pantao, gayundin ang payout para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.

Parte rin ng programa ang paggawad ng TOWER Awards sa mga natatanging manggagawa na nasa non-supervisory level, at mga white-collar workers, na may mahahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng performance at kahusayan ng kanilang mga organisasyon.

Facebook Comments