
Umapela ang Quezon City Police District (QCPD) sa sinumang makikiisa sa kilos-protesta na huwag nang haluan ng personal na agenda ang isasagawang transparency rally.
Ayon sa QCPD, nais nila na magkaroon ng mapayapang pagkilos ang bawat grupo para malayang maihatid ang kanilang nais na iparating sa pamahalaan.
Kasunod nito, todo na ang ginagawang pagbanantay ng pulisya sa People Power Monument at naka-deploy na ang mahigit 1,000 Philippine National Police (PNP) personnel at force multipliers para umalalay sa mga magkalasa ng kilos protesta.
Nakiusap din ang QCPD na huwag magdala ng mga alagang hayop at sumunod sa mga instruksyon ng mga nakatalagang marshal.
Kung magdadala naman ng sasakyan, siguruhing nakaparada ito sa tamang lugar at huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob.









