Manila, Philippines – Suportado ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang tunay na modernisasyon ng pampublikong transportasyon, kabilang na ang mga jeep.
Gayunaman, naninindigan ang Senadora na anumang programang ipatutupad ay dapat na dumaan sa malawakang konsultasyon sa mga apektado at nararapat na maging patas sa lahat.
Kaugnay nito ay umaasa si Senator Poe na transport strike ngayong araw ay magsisilbing wakeup call o panggising sa Department of Transportation para bigyang konsiderasyon ang hinaing ng mga jeepney drivers at operators.
Paliwanag ni Senator Poe, ang programang pag-phase out sa mga lumang jeep ay hindi dapat magresulta sa kawalan ng kabuhayan ng mga jeepney drivers, na kadalasa’y kabilang sa mahihirap sa bansa.
Giit ni Senator Poe sa gobyerno, maghanap ng win-win solution na magpapagaan ng situwasyon ng trapiko, mangangalaga sa kapaligiran, at makapagbibigay ng produktibong kita lalo na sa mahihirap sa ating lipunan.