Malawakang konsultasyon sa publiko para sa apat na priority reform bills, iniutos ni PBBM

Iginiit ni Executive Secretary Ralph Recto na hindi lang pag-apura ang hinihingi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso, kundi seryosong pag-aksyon sa apat na panukalang batas

Ito ang Anti-Political Dynasty Bill, Independent People’s Commission Act, Party-list System Reform Act, at Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.

Ayon kay Recto, kailangan ang malawak na konsultasyon at dapat tanungin ang iba’t ibang sektor at ordinaryong mamamayan para maisama ang pinakamagagandang ideya sa mga batas na ito.

Mahalaga aniya ang mga panukalang batas, dapat bukas ito sa lahat ng grupo para maging kapani-paniwala at hindi lang gawa ng iilan.

Giit pa ni Recto, mas gaganda ang batas kung makikinig sa lahat ng opinyon at pangangailangan ng mga Pilipino

Facebook Comments