Malawakang lockdown, hindi pwedeng gawin ng pamahalaan – Galvez

Malabong magpatupad pa ang pamahalaan ng malalaki at malawakang lockdown kahit ipanawagan pa ito ng medical community sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Katwiran ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., hindi na aniya “sustainable” na istratehiya ang pagpapatupad ng malawakang lockdown.

Sa halip ay susuportahan ng national government ang mga ipinapatupad na localized lockdowns ng mga local government units (LGUs).


Nakikita naman ni Galvez na maayos na naipapatupad ng mga LGUs ang quarantine restrictions sa kanilang lugar.

Tiwala rin si Galvez sa liderato ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments