MALAWAKANG OPERATION BAKLAS SA BAYAN NG MANGALDAN, UMARANGKADA KAHAPON

Matapos ang unang araw ng kampanya ng mga kumakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 sa bayan ng Mangaldan ay umarangkada na ang Operation Baklas sa bayan.
Layon ng operation baklas na ito na pinangunahan ng COMELEC, PNP at iba pang mga stakeholders sa bayan ay upang alisin ang iba’t bang mga campaign paraphernalia ng mga kandidato na hindi sumunod sa patakaran.
Dito kailangan inspeksyunin ng mga kawani ng COMELEC, PNP at iba pa kung sinunod ng mga kandidato ang tamang sukat ng bawat tarpaulin o posters na nakapaskil maging ng pagdidikit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Samantala, patuloy na paalala ng pamunuan ng COMELEC ang pagsunod ng mga kandidato sa itinakdang mga patakaran kaugnay pa rin sa halalan pambarangay upang hindi mapatawan ng kaukulang reklamo. |ifmnews
Facebook Comments