MALAWAKANG PAG-AAYOS NG LINYA, ISASAGAWA NG ISELCO-1

CAUAYAN CITY – Upang matiyak na maayos ang suplay ng kuryente, magsasagawa ng malawakang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa iba’t ibang bayan at siyudad na sakop ng Isabela Electric Cooperative -1.

Ayon sa kooperatiba ang hakbang ay bilang pagsunod sa Republic Act No. 11351, na kilala din bilang Anti-Obstruction of Power Lines Act.

Samantala, maliban sa pagsasaayos ay magsasagawa rin ng massive line clearing ang kooperatiba sa lahat ng nasasakupan nito.


Umaasa naman ng kooperatiba na sa pamamagitan nito ay mas magiging maayos ang suplay ng kuryente gayundin upang maiwasan ang anumang sagabal na maaring magdulot ng pagkawala ng kuryente o panganib sa kaligtasan.

Nagsimula ang nasabing pagsasaayos noong ika-11 ng Hunyo at inaasahang magtatapos sa ika-28 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Facebook Comments