Manila, Philippines – Magsasagawa ang Department of Health (DOH) ng malawakang pagbabakuna kontra tigdas ngayong taon.
Ayon kay DOH Usec. Rolando Domingo – target nilang mabakunahan ng anti-measles ang mga kabataan kasama ang mga dati ng dinapuan ng naturang sakit.
Sa kabila aniya ng takot at nabawasang tiwala ng mga magulang sa bakuna dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia. gagawin ng ahensya ang lahat para maprotektahan ang publiko sa mga sakit gaya ng tigdas.
Sa nakalipas na taon, 20,000 kaso ng tigdas ang naitala at apat na beses itong mas mataas sa report noong 2017.
Dahil dito, sisikapin umano ng doh na maipaliwanag sa mga komunidad ang kahalagahan at kaligtasan ng measle vaccine program ng pamahalaan.
Facebook Comments